Isang mayamang negosyante si Doña Agueda, ngunit sa pagiging mayaman nito ay ubod ng mata-pobre at masungit. Ang kaniyang tirahan ay mansion. Nasa pangalawang palapag ng bahay nito ang kaniyang kusina at hapag-kainan. Buhat sa bintana ng hapag-kainan ay matatanaw ang munting tirahan ni Aling Sioning. Isang trabahador ni Doña Agueda sa kaniyang taniman ng tubo. Kasalukuyang kumakain noon si Doña Agueda ngunit wala itong gana sa pagkain ng mga oras na iyon. Nakita niyang kumakain din si Aling Sioning buhat sa kaniyang kinatatayuan. Naulinigan niya ang sinasabi nito. “ang sarap ng ulam ni Doña Agueda, beef steak ang bango lumalabas ang amoy ng ulam niya buhat sa bintana ng kaniyang kusina” wika ni Aling Sioning
Minasama ng Doña ang narinig.“aba! ang walanghiya! at inaagaw pala ang gana ko sa pagkain” galit na wika nito“kain na mga anak bagama’t ang ulam natin ay tuyo at kamatis lamang ay lasahan natin ang bango ng ulam ni Doña Agueda” wika ni Aling Sioning habang kumakain kasama ang dalawang anak nito. “aba! at maganang magana pa silang kumain, makikita nila idedemanda ko sila, may pagkamangkukulam yata ang pamilyang ito” wika ni ni Doña Agueda habang abala sa paninilip sa bintana. Pinatawag ng Doña ang pobreng si Aling Sioning, inakusahan siya nito ng pang-aagaw ng gana ng pagkain at tinuringang may karungungang itim kung kaya naisagawa niya ito. Walang nagawa si Aling Sioning, humingi ito ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit lubhang may kapangyarihan ang Doña , hanggang nakarating ito sa piskal ng munisipyo. Tuwang-tuwa ang Doña sa nangyari at iminungkahi nito na magbayad ng danyos perwisyo ang pobre at iuurong na niya ang demanda. “bayaran mo ako ng limang libong piso sa pang-aagaw mo sa akin ng gana sa pagkain!” wika ng Doña. “Doña maawa po kayo kapos po kami, may naipon po ako sa alkansiyang bumbong ngunit para po sa aking anak iyon at hindi po aabot iyong limang libo” pagsusumamo ng matanda “di ko papayagan na ganun ganun lang sige tatlong libo tapos ang usapan!” dugtong pa ng Doña. Suman-ayon ang piskal sa usapan. Lungkot na lungkot ang pobreng matanda. Lulugo-lugo itong bumalik sa bahay at biniyak ang alkansiyang bumbong sa harap ng kaniyang mga anak na malulungkot. Umabot ng tatlong libo at sampu ang baryang laman nito. Ibinili ng anak nito ang sobrang sampu ng tinapay upang may makain sa gabing iyon. Kinaumagahan, nagharap-harap muli sila sa harap ng piskal. “dala mo na ba ang tatlong libo!” wika ng Doña “opo, ito po sa dala kong laba-kara nakalagay, sakto po ito” wika ng pobreng si Aling Sioning “kailangang makasiguro ako bilangin mo sa harap ko” wika pa ng Doña “sige na Sioning bilangin mo sa harap ni Doña Agueda ang mga barya upang malaman natin kung tatlong libo ang halaga ng dala mo” utos ng piskal Ngiting-aso ang Doña habang binibilang ang pera. Naglalaway ito sa salapi habang nakamasid naman ang piskal ng munisipyo. Saktong tatlong libo ang pera at nagdesisyon na ang piskal. “sa aking pag-aaral sa usapan ay inagawan di umano ni Aling Sioning ng gana sa pagkain si Doña Agueda at pinagbabayad nito si aling Sioning bilang danyos perwisyo. Inihanda ni Aling Sioning ang pera at binilang sa harap ni Doña Agueda sa napagkasunduang tatlong libong piso.Sa pagbbibilang na iyon ay sapat ng nakuha na rin ng Doña ang tatlong libong piso gaya ng pagkuha ni Sioning sa gana nito sa pagkain sa pamamagitan ng isip lamang. Ang desisyon ng korteng ito ay patas o amanos lamang ang magkabilang panig” “ligpitin muna ang pera mo Aling Sioning at makakauwi ka na, tapos na ang kaso” pagtatapos ng piskal “di pwede iyan papalitan kita sa munisipyo” sigaw ni Agueda “pwede niyo pong iapela sa mataas na kapulungan ang kaso Dona Agueda” wika ng piskal Tumalikod na lang ang Doña at umuwi, tinanggap nito ang pagkatalo. Umalis na sina Aling Sioning sa lugar na iyon at ang tatlong libo ay kanilang pinalago sa pagtitinda ng ulam. Mabiling-mabili ang kaniyang lutong”beef steak”.
Friday, January 25, 2008
Ang tatlong Salamangkero
Nagkita-kita mula sa iba’t ibang lugar ang tatlong salamangkero upang magpaligsahan ng kakaibang kaalaman
sa larangan ng salamangka. Si Junar ay mula sa tribu ng Chem, si Dwen ay mula sa Khan at si Dilan ay mula
sa angkan ng mga katutubong Tausug. Lahat sila ay may kani-kaniyang pambihirang kaalaman. Napagpasyahan
nila na sa isang gubat magpakitaan ng galing. Wala silang isinamang mga tao upang masarili nila ang paligsahan.
“alam niyo ba mga katoto na tatlong beses na akong muntik mamatay at eto buhay pa si Master Junar”
“ako rin makaanim na akong muntikang mamatay pero nakatayo pa rin si Propesor Dwen he he he”
“mahina kayo ako ang tawag sa akin ay pusa dahil makawalo na akong muntik mamatay eto at kasama niyo pa rin
si Ka Dilan ha ha ha!”
Napansin nila ang isang kalansay na lagas-lagas sa kagubatan at ito ang kanilang napagpasyahang gamitin
sa paligsahan.
“kaya kong buuin ang mga kalansay na yan kung ano mang hayop yan!” abracadabra!” whooosh!” sigaw ni Junar
Presto! ang kalansay ay nabuo ng nakatayo, malaki ito na may 3 piye ang likuran mula sa lupa. May apat na paa
at isang buntot sa likuran.
“wala ring silbi yan kung buto lamang ako lalagyan ko yan ng laman ng ganito! mahika!!! booom!” sigaw ni Dwen
Presto ang kalansay ay nagkalaman, isang leon ang tumambad sa kanilang harapan, malaki at maganda ang mga
balahibo. Nakatayo itong parang tuod.
“mahihina pala kayo e, ano ang silbi niyan kung walang buhay, ako ang magbibigay buhay sa hayop na yan!
bathala! ka woooshhh!” sigaw ni Dilan
Nagkabuhay ang Leon, umatungal ng napakalakas, tila naghahanap ng masisila sa kaniyang kagutuman mula sa
matagal na pagkakahimlay. Nakita niya ang tatlong salamangkero at ito ay kaniyang pinangal. Natapos na ang buhay ni
Junar pati na si Dwen at ang ikasiyam na buhay ni Pusang Dilan ay natapos na rin sa loob ng sikmura ng pusang Leon.

Thursday, January 24, 2008
Si Remedios at ang kaniyang sanggol
Bataan, 1944. Kasalukuyang lumulusob ang mga hapones sa bahaging ito sa Pilipinas. Marami na ang napapatay sa mga Pilipino. May mga Koreano ring kasama ang mga tropang Hapon na walang awang kumikitil sa mga walang labang Pilipino. Batid ng tropa ng Hapones na ang mga Amerikano ay paparating na kung kaya’t walang habas silang pumatay ng mga inosente bago pa man sila ay masukol.
Tatlong mag-iina ang tumatakas patungo sa bundok ng malamang ang pwersa ng mga Hapones ay nasa di kalayuan lamang. Ang bawat isa sa kanila ay may tangan na sanggol na nasa tig-anim na buwang gulang. Ang kanilang mga asawa ay di nila kasama sa kadahilanang sumama ito sa “gerilla” upang lumaban sa mga hapon katulong ng mga kano. Nagkahiwa-hiwalay ang mag-iina sa kagubatan. Pinatatahimik nila ang kanilang mga anak. Sa kanilang pag-iyak Dahil sa iyak ng sanggol ay nakita ng isang Hapones ang mga ito at pinatay sa pamamagitan ng bayoneta. Ganun din ang isa pang mag-ina na nagtatago sa halamanan. Tanging si Remedios lamang na nagdadasal ang di pa nakikita ng mga hapon.
“anak wag kang iiyak mahal kita, hawak ka ni nanay mo” bulong nito na may luhang bumabalong sa kaniyang
namumugtong mga mata.
Kumampi ang langit kay Remedios, ngumiti ang sanggol sa kaniya kapagdaka’y umidlip ng matahimik. Nakalagpas
ang pwersa ng mga hapon ng di sila nasaling man lamang. Nagpamagdamag sila sa kanilang pinagtataguang
bato sa gilid ng ilog. Nangangatal na ang katawan ni Remedios sa pagkakababad sa tubig sa gilid ng nasabing ilog.
Umahon siya mag-uumaga na. Nakita siya ng mga “gerilla” at iniligtas. Nagkita sila ng kaniyang asawa sa kampo
at lubos ang kaniyang pasasalamat sa asawa. Nagdasal sila ng taimtim sa Poong-Maykapal.
Ang anak ni Remedios na si Roman ay lumaking matalino at nakapag-aral. Isa na siyang Pastor sa isang samahan
sa kanilang lugar na namamahagi ng Salita ng Diyos sa mga tao roon at ibinabahagi ang kaniyang mga naranasan sa kaniyang murang buhay bilang isang patotoo sa kabutihan ng Maylikha.

Ang basehan ni Laida
Marikit at maganda si Laida, bukod tangi siya sa kanilang baryo kung ikukumpara sa mga kadalagahan roon. May mga masugid na manliligaw ang binibini, ito ay sina Ramon isang propesor, Ronaldo isang inhinyero, Roberto isang negosyante at si Jun isang pobreng alagad ng sining.
Lahat ng mga ito ay may katangiang gusto ni Laida. Lahat ay pawang mga gwapo at matitipuno at may magandang pag-uugali kung kaya’t nahihirapan siya kung sino sa kanila ang kaniyang pipiliin na maging kabiyak ng kaniyang puso.
Isang araw, habang naglalakad si Laida sa isang tubuhan, napansin niyang aanihin na ito. Tumabas siya ng isang tangkay ng tubo at iniuwi sa kanilang tahanan. Hinati niya ito sa apat, ang gawing dulo ng bawat hati ay sa may buko ng tubo at ang kabilang dulo ay sa may gitna kung saan naroon ang matamis at makatas na bahagi.
Isang gabi habang sabay na nagsidalaw ang mga binata upang manuyo ay ibinahagi niya ang mga piraso ng tubo sa bawa’t isa. Hinimok niyang kainin nila ang mga ito na nagpaunlak naman. Lahat ay nagsimulang kumagat sa matatamis na bahagi ng tubo patungo sa buko nito maliban kay Jun na inunang kagatin ang buko ng tubo.
Lumipas ang isang linggo isang kasalan ang natunghayan sa baryong iyon. Mapalad si Jun na nakaisang dibdib
si Laida. Marami ang nagtanong kung bakit si Jun na isang pobreng alagad ng sining lamang ang kaniyang
nagustuhan. Ipinaliwanag niya na nagustuhan niya ang sistema ng pagkain niya ng tubo na inuna ang buko patungo sa matamis na bahagi nito na maikukumpara sa isang pagmamahal na habang tumatagal ay patamis ng patamis

Ang galit ni Elena
Maragal ng nagsasama si Elena at si Nardo. Nagkaroon sila ng isang supling na nasa 9 na taong gulang na. Maraming babaeng dumaan sa buhay ni Nardo bago ito nabihag ni Elena. Maganda si Elena, maikukumpara siya sa isang bituing marikit kung saan napakaraming binata ang naghangad ng kagandahan nito. Marami ang nainggit kay Nardo nang makaisang dibdib niya si Elena. Isang inhinyerong sibil si Nardo, ang kita nito ay sobra sobra para sa kaniyang pamilya. Dahil dito ay di naalis ang pagkapabling nito sa babae. Madalas siyang magpalipat-lipat ng bahay aliwan at birhaws. Sa tagal ng pagsasama nila ni Elena ay parang nanabik ito sa mga mas bata at mapapayat na babae. Tumaba kasi si Elena nang kaunti na ayaw ni Nardo. Nabalitaan ni Elena na tumatambay ito sa mga birhaws at doon ay nakikihalubilo sa mga kadalagahan. Nagplano si Elena, nagpapayat ito ng isang buwan ngunit di pa rin pansin ito ni Nardo. Isang araw ay kinausap ni Elena ang me ari ng birhaws na kinahuhumalingan ng kaniyang asawa. Nagpanggap siyang isang "hostess" at ang pakay ay lumapit kay Nardo upang ma iteybol. Nagbayad si Elena sa me ari ng limangdaang piso para sa plano.
"waiter! me bago ba tayo diyan?" sigaw ni Nardo
"meron sir, tiyak magugustuhan niyo"
"sige iteybol ko"
(binigyan pa ng tip ni nardo ang waiter)
Lumapit si Elena na ubod ng rikit, masasabi mong isang dalaga na nooy kamumukadkad pa lang. Makapal ang kolerete nito sa mukha at ubod ng hinhin sa paglalakad.
"hi ikaw pala si Nardo, ako pala si Jasmin" wika ni Elena na nagbabalatkayo
"maupo ka" sagot ni Nardo
"baka magalit ang misis mo kapag nahuli ka rito"
"wala akong misis, hiwalay kami tatlong taon na" sagot ni Nardo
"ganoon ba, o bakit parang ayaw mo sa akin bakit parang di ka masaya" wika ni Elena
"a e... papalitan kita kasi di ko gusto dating mo sa akin"
"bakit naman?"
"kahawig ka kasi ng misis ko, naiinis ako sa kaniya"
Pinalitan ni Nardo ang babae at nagpatuloy itong uminom. Lumipas ang isang buwan kinapanayam namin ang isang bilanggo sa "correctional"
"bakit mo nagawa iyon Elena?"
Di sumagot si Elena hanggang sa bumalik na lang ito sa bilangguan,
Sa puntod ni Nardo ay nakaukit ang katagang "ala-ala ng lubos na nagmamahal na asawa mo't anak"

Maling Akala
Si Facundo ay isang mabait at mapagmahal na ama, namatay ang kaniyang asawa sa panganganak sa anak nilang babae na si Eloisa na isang taon pa lamang ngayon. Siya ang nag-aruga sa sanggol upang mabuhay. Iniiwan niya ito sa kanilang kapitbahay na lola Berang kung siya ay magsasaka sa bukid. May alaga siyang aso na si Puti, parang bulak ang balahibo nito sa kaputian, mahal ma mahal niya ito pangalawa sa kaniyang anak. Katulong niya ito sa bukid kapag nagtatanim ng palay. Nagsisilbi rin itong bantay sa palayan kung ito ay hinog na upang wag kainin ng mga lobo o anu mang hayup na peste. Siya ay may isang paltik na baril na minana niya sa kaniyang ama. Pinagyaman niya ito at laging nililinisan. Pinapuputok niya ito minsan isang buwan upang laging aktibo ang mga piyesa nito. Lagi niya itong dala sa kaniyang pagsasaka bilang paghahanda sa anumang hayup na sa kaniya'y susuwag sa lugar na iyon.
Isang araw, na wala siyang pagsasaka sa bukid ay inalagaan niya ang anak na si Eloisa, iniwan niya ito sandali katabi ng kaniyang asong si Puti upang magtungo sa di kalayuan sa bahay upang manguha ng gulay. Tulog na tulog ang kaniyang anak ng mga oras na iyon.Kinausap niya ang aso.
"Puti, ako ay magtutungo sandali lamang sa labasan at mangunguha ng gulay, paki bantayan mo si Eloisa"
Ang aso ay nakatingin sa kaniya na wari'y naintindihan ang kaniyang sinabi. Gumagalaw pa ang buntot nito na nahiga tumabi malapit sa kaniyang anak.
"hayaan mo Puti alam kong gutom ka na rin at ihuhuli kita ng palakang bukid at aking iluluto para sa iyo"
Umungol ang aso at napadila na wari'y nagutom sa kaniyang sinabi.
Makalipas ang limang minuto, ay nagbalik na si Facundo at buong gulat nang makita niyang sinalubong siya ng kaniyang aso na si Puti, balot ng dugo ang balahibo nito, halos nagkulay p**a ang buong katawan nito. Dinidilaan niya ang mga natirang dugo sa kaniyang mga paa. Sa kabila nito, kumakawag-kawag pa ang buntot nito ng makita ang amo. Pumasok sa isipan ni Facundo na sa gutom ay nilapa nito ang kaniyang anak. Dali-dali niyang binunot ang kaniyang baril at isang malakas na putok ang umalingawngaw. Naghihingalo na bumagsak sa kaniyang harapan si Puti, wari'y nakangiti pa ito sa kaniya na umuungol, dinilaan ni Puti ang suot na bota ni Facundo ng lumapit ito sa aso bago nalagutan ng hininga. Matapos makitang patay na si Puti ay dali-dali siyang humangos sa kinaroroonan ng anak at dito niya nakita ang isang lobo na patay malapit sa kaniyang anak na kagigising lamang at nakangiti sa kaniyang pagdating. Nanlumo si Facundo at nanlupaypay. Sa kaniyang maling akala ay nagawa niyang patayin ang kaniyang mahal na alagang si Puti na siyang nagtanggol sa kaniyang pikamamahal na anak laban sa mabangis na lobo.

Subscribe to:
Posts (Atom)