Thursday, January 24, 2008

Si Remedios at ang kaniyang sanggol

Bataan, 1944. Kasalukuyang lumulusob ang mga hapones sa bahaging ito sa Pilipinas. Marami na ang napapatay sa mga Pilipino. May mga Koreano ring kasama ang mga tropang Hapon na walang awang kumikitil sa mga walang labang Pilipino. Batid ng tropa ng Hapones na ang mga Amerikano ay paparating na kung kaya’t walang habas silang pumatay ng mga inosente bago pa man sila ay masukol.

Tatlong mag-iina ang tumatakas patungo sa bundok ng malamang ang pwersa ng mga Hapones ay nasa di kalayuan lamang. Ang bawat isa sa kanila ay may tangan na sanggol na nasa tig-anim na buwang gulang. Ang kanilang mga asawa ay di nila kasama sa kadahilanang sumama ito sa “gerilla” upang lumaban sa mga hapon katulong ng mga kano. Nagkahiwa-hiwalay ang mag-iina sa kagubatan. Pinatatahimik nila ang kanilang mga anak. Sa kanilang pag-iyak Dahil sa iyak ng sanggol ay nakita ng isang Hapones ang mga ito at pinatay sa pamamagitan ng bayoneta. Ganun din ang isa pang mag-ina na nagtatago sa halamanan. Tanging si Remedios lamang na nagdadasal ang di pa nakikita ng mga hapon.

“anak wag kang iiyak mahal kita, hawak ka ni nanay mo” bulong nito na may luhang bumabalong sa kaniyang
namumugtong mga mata.

Kumampi ang langit kay Remedios, ngumiti ang sanggol sa kaniya kapagdaka’y umidlip ng matahimik. Nakalagpas
ang pwersa ng mga hapon ng di sila nasaling man lamang. Nagpamagdamag sila sa kanilang pinagtataguang
bato sa gilid ng ilog. Nangangatal na ang katawan ni Remedios sa pagkakababad sa tubig sa gilid ng nasabing ilog.
Umahon siya mag-uumaga na. Nakita siya ng mga “gerilla” at iniligtas. Nagkita sila ng kaniyang asawa sa kampo
at lubos ang kaniyang pasasalamat sa asawa. Nagdasal sila ng taimtim sa Poong-Maykapal.

Ang anak ni Remedios na si Roman ay lumaking matalino at nakapag-aral. Isa na siyang Pastor sa isang samahan
sa kanilang lugar na namamahagi ng Salita ng Diyos sa mga tao roon at ibinabahagi ang kaniyang mga naranasan sa kaniyang murang buhay bilang isang patotoo sa kabutihan ng Maylikha.

No comments: